CENTRAL MINDANAO- Halos wala ng mabiling facemask sa probinsya ng Cotabato,Cotabato City at siyudad ng Kidapawan.
Noong pumutok ang taal volcano marami ang bumili ng facemask at pinadala sa Batangas sa kanilang mga kamag-anak.
Bagamat may mga indibiduwal na bumili na rin ng face masks simula nang lumabas ang 2019 Novel Coronavirus bilang precaution.
May ilang mga negosyante din ang pinakyaw ang N95 Facemask at doon ibininta sa Batangas.
Hiling ngayon ng mga residente sa Central Mindanao na dagdagan ang suplay ng N95 facemask.
May ilang residente na rin sa probinsya ng Cotabato ang nagsusuot ng facemask at umiinom ng vitamins panlaban sa NCOv.
Naka-alerto na rin ang Department of Health sa rehiyon-12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) laban sa N-COv.