Bahagyang bumaba ang imbentaryo ng frozen pork sa bansa noong huling linggo ng Nobyembre base sa ipinakitang data mula sa National Meat Inspection Service (NMIS).
Ngunit nanatiling pa rin itong higit sa doble kaysa sa antas ng nakaraang taon dulot ng pag-import ng baboy.
Sa talaan ng National Meat Inspection Service (NMIS) nasa 75,024.9 metric tons noong Nob. 29 ang imbentaryo ng frozen meat, bahagyang mas mababa kaysa sa 76,953.3 MT noong nakaraang linggo.
Ang bilang, gayunpaman, ay 106 percent na mas mataas kaysa sa 36,375.7 MT ng frozen na baboy sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ang imported na frozen na baboy ay umabot sa sa 73,418.39 MT ang imbentaryo.
Sa kaibahan, ang lokal na frozen meat ay mayroon lamang bahagi na 1,606.52 MT sa imbentaryo.
Napag-alaman na ang National Capital Region ang may pinakamalaking bahagi ng frozen imported na baboy na nakapagtala ng 26,726.38 MT kung saan sinundan ito ng Calabarzon na may 20,189.29 MT.