Sa ngayon ay marami pa rin at sapat pa ang supply ng bigas dito sa merkado, ayon yan sa mga nagtitinda.
Kung ikukumpara umano noong mga nagdaang araw ay wala namang pagbabago sa supply, ngunit anila ang presyo ay bahagyang tumataas na.
Matatandaan na ayon sa pangulo, sinisiguro ng Department of Agriculture na sasapat ang supply ng bigas ngunit ito ay bahagyang ninipis.
Itong posibleng pag nipis ng supply umano ay malaki naman ang magiging epekto sa mga nagtitinda maging sa mga consumer.
Halos pareho naman ang naging pahayag ni Madel Dagsang, isa ring tindera.
Kapag umano sakaling tumaas ang presyo ay mag aadjust na lamang sila.
Matatandaan na iniatras ng Department of Agriculture ang planong pag angkat ng bigas at siniguro nito na sasapat ang supply sa kabila ng banta ng El niño.
Sa isang araw, ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez, nasa halos 37,000 metroc tons ang kailangan at dapat raw itong masustain.
Asahan naman umano na dadami ang supply ng bigas kapag maidagdag na ang ani mula Marso at Abril.