Nakikita ng Department of Agriculture na may sapat na suplay ng bigas ang Pilipinas para matugunan ang pangangailangan ng populasyon hanggang sa pagsisimula ng susunod na panahon ng pag-aani sa Marso 2024.
Ito ay dahil ang halos kalahating milyong metrikong tonelada ng bigas na inangkat ng pribadong sektor ay darating sa pagitan ng Disyembre at unang bahagi ng Pebrero sa susunod na taon.
Ang hakbang ay bilang pagsunod sa kasunduan sa pagitan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at ng mga may hawak ng rice import permits.
Ayon kay DA officer-in-charge for operations Undersecretary Roger Navarro nakatanggap sila ng mga ulat na humigit-kumulang 100,000 tonelada ng imported na bigas ang dumating na sa bansa.
Ito ay bahagi ng 495,000 metriko toneladang ginawa ng mga may hawak ng import permit kay Secretary Tiu Laurel.
Idinagdag niya na ang pambansang konsumo ng bigas ay nasa 36,000 metriko tonelada kada araw, o humigit-kumulang 1.08 milyong tonelada kada buwan.
Bukod dito, sinabi ni Navarro na ang kabuuang 20,000 bags na katumbas ng 1,000 metric tons ng bigas na naihatid bago ang Araw ng Pasko ay ang unang batch ng 40,000 bags ng bigas na donasyon ng Taiwan.
Sa loob ng huling linggo ng Disyembre at unang bahagi ng Enero, sinabi ni Navarro na 75,000 metriko tonelada ng bigas ang darating naman mula sa India.