-- Advertisements --
Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines na hindi naapektuhan ang supply ng kuryente sa Anda, Bohol matapos tumama ang 4.1 magnitude na lindol sa naturang lalawigan.
Ayon sa ahensya , intact pa rin ang Bohol Sub Grid matapos ang naganap na pagyanig ng lupa.
Paliwanag ng NGCP, normal ang lahat ng operasyon ng grid at power transmission services nito.
Batay sa datos ng ahensya, walang anumang impormasyon hinggil sa naganap na power interruption sa mga lugar sa naturang lalawigan.
Kaugnay nito ay tiniyak ng NGCP na nakahanda sila sa anumang mga maitatalang pagyanig at sakali man na may maaapektuhang grid ay kaagad nila itong tutugunan.