KORONADAL CITY – Nagpahayag nang pagkabahala ang medical society ng South Cotabato dahil pahirapan na umano ngayon ang oxygen sa mga hospital dahil sa kakulangan ng supply nito.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Rogelio Aturdido, IPHO chief sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Aturdido, patuloy na pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan nasa critical level at fully occupied na ang mga hospital beds.
Napag-usapan umano sa isinagawang pagpupulong ng mga kasapi ng medical society na problema ba ngayon sa probinsiya ang oxygen.
Dagdag pa ni Aturdido, sa ngayon ay iba’t ibang variants na ang nakumpirma gaya ng Alpha, Beta at Delta kung saan tumaas pa sa higit 11,500 ang kaso at umabot na rin sa mahigit 300 ang namatay.
Kabilang na sa mga binawian ng buhay ang dalawang senior citizens sa isolation facility sa lungsod ng Koronadal matapos na hindi na tinanggap sa ospital dahil sa punuan na ang mga hospital beds.
Dagdag pa ni Aturdido, sa ngayon maging ang mga health workers ay kulang na rin.