-- Advertisements --
LTO

Ibinunyag ng ng Land of Transportation Office (LTO) na nauubos na ang supply ng mga plastic cards para sa mga driver’s license.

Kaya naman, i-Iimprenta na lamang muna sa papel ang mga permit sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni LTO chief Jose Arturo Tugade na tinitingnan nila ang pag-roll out ng temporary driver’s license documents na naka-print sa likod ng official receipts bilang solusyon sa problema.

Sinabi niya na ang mga tanggapan ng LTO sa buong bansa ay naiwan na may imbentaryo ng 147,000 driver’s license cards.

Aniya, ang solusyon ay gumamit ng pansamantalang dokumento ng driver’s license.

Ipi-print ng ahensya ang opisyal na resibo at sa likod ay magkakaroon ng kakaibang QR code para sa kopya ng driver’s license.

Ito rin aniya ay isang paraan para ma-validate ng mga alagad ng batas kung lehitimo o hindi ang official receipt.

Sinabi ni Tugade na ang mga may hawak ng driver’s license ay maaaring kumuha ng larawan ng printout ng kanilang mga permit ngunit dapat tiyakin na malinaw na mai-scan ang QR code para sa beripikasyon.

Una na rito,, alam ng ahensya noong Nobyembre 2022 na nasa “critical level na” na ang imbentaryo ng mga card para sa driver’s license.