-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Agriculture na mayroong sapat na supply ng karneng baboy para sa Christmas holidays sa kabila ng pagkalugi ng industriya dahil sa African swine fever.
Sinabi ni Reildrin Morales, ASF Task Force head na tanging 70,000 alagang baboy lamang ang dumaan sa culling magmula noong Agosto.
Mababang bilang pa rin aniya ito kung ikumpara naman sa 12.5 million na swine population sa buong bansa.
Batay sa report ng World Organisation for Animal Health (OIE), 24 na ang naitatalang ASF outbreak, kabilang na ang mga bagong areas tulad ng Caloocan at Malabon.
Gayunman, sa kabila nito ay naniniwala pa rin si Morales na maaring ma-control ang pagkalat ng ASF virus.