Naniniwala ang National Water Resource Board na magiging sapat naman ang supply ng tubig sa darating na tag init.
Kalimitan kasing nagiging problema ang supply ng tubig dahil sa panahon kung saan ito ay nagiging in demand.
Kung minsan naman ay nakakaranas ng tag tuyot na nakaka apekto rin sa natural supply tulad na lamang ng pagkawala or pagbaba ng level ng tubig sa sapa, mga lawa at iba pang anyong tubig.
Ang National Water Resource Board ay patuloy naman ang pakikipag ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Samantala, sa ngayon raw ay nasa halos 11 million na Pilipino ang wala pang access sa malinis na tubig, kung saan ito ay hindi ligtas at makaka apekto sa kalusogan ng mga tao.
Tinitiyak naman ng pamahalaan na kasalukuyang silang naghahanap ng alternatibong solusyon sa nasabing isyu.