-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa leader ng mga supporters ng isang kandidato sa pagka-alkalde sa Abra.

Kinilala ni Maj. Carol Lacuata, information officer ng Cordillera PNP ang biktima na si Edito Espirito, 59.

Bata sa ulat, pasado alas-9:00 ng gabi nitong Huwebes nang pagbabarilin si Espirito.

Nagtamo ito ng tama ng baril sa hita at agad namang nadala sa pagamutan.

Natukoy naman ang pagkakakilanlan ng suspek na si Michael Galera, na tumakas matapos ang insidente.

Nabatid din na tauhan umano ito ng kalaban ng sinusuportahan ni Espirito.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ang salarin habang iniimbestigahan ang insidente.