-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente ng tangkang pamamaril kay Valderrama, Antique Vice Mayor Josefino Castillon kung saan nasawi ang isang taga-suporta nito.

Kinilala ang biktima na si Angelito Roquero Jr., na nagtamo ng tama ng baril sa dibdib.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Valderrama Municipal PNP chief Maj. Jose Puno na galing sa isang programa ang bise alkalde nang mangyari ang insidente.

Pinagbabaril daw ng suspek na si Raymart Francisco ang opisyal makaraang lumabas ito sa lugar.

Sa ngayon nakakulong na ang salarin habang isasailalim sa autopsy ang bangkay ng nasawing biktima.

Nabatid na muling tumatakbo sa pagka-Vice Mayor ng bayan si Castillon.