-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nangyaring pagpatay sa supporter ng isang mayoralty candidate sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Ayon sa PNP Baggao, dinukot umano ng nasa 30 armadong katao si Jomar Alonzo, nagsisilbing driver ng barker ni mayoralty candidate Arnold Alonzo nitong Lunes na nagtungo sa Barangay Asingavia para ikampanya ang kandidato kasama ang ilang supporters.

Pinakawalan umano ng grupo ang mga kasamahan ng biktima na nagbigay sa kandidato sa ibinigay ng grupo na cellphone number.

Tinawagan naman umano ng kandidato ang numero at nakausap ang isa sa mga ito at humihingi ng P210,000.

Subalit nitong Martes ng umaga ay nakita na walang buhay ang biktima sa nasabing ring barangay.