Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang libong mga katao na humiling na palayain na si dating Prime Minister Imran Khan.
Ang nasabing kilos protesta ay pinangunahan ng partido ni Khan na Pakistan Tehreek-e-Insaf (PTI) kung saan nagtipon ang mga ito sa Islamabad para sa pagpapalaya ng dating Prime Minister na nakulong ng mahigit isang taon.
Naniniwala ang kapartido nito na politically motivated ang nasabing pagpapakulong kay Khan.
Sinabi ng kaniyang close aide na si Hammad Azha na hindi sila titigil hanggang hindi napapalaya si Khan.
Nagpakalat na mga otoridad ng kapulisan at sundalo sa lugar na maaaring tunguhin ng mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Si Khan na dating sikat na cricket player ay pinatalsik sa opisina sa pamamagitan ng no-trust vote noong Abril 2022.
Mula Agosto 2023 ay nakakulong ito dahil sa kasong inciting violence noong Mayo 2023 kung saan ang mga supporters nito ay inatake ang mga military installations.