Bantay sarado ng mga kapulisan ang gusali ng korte suprema ng Brazil matapos ang tangkang pagpasok ng mga protesters.
Nagsagawa kasi ng protesta ang mga supporters ni President Jair Bolsonario matapos na akusahan ng pangulo ang korte suprema at kongreso sa pagharang ng kaniyang mga ipinapatupad na reporma.
Isinabay ni Bolsonario ang panawagan sa kaniyang suporters sa independence day ng nasabing bansa.
Binatikos naman ng kritiko ang ginawa ni Bolsonario.
Sinasabing kaya niya ginawa ito ay dahil bumaba ang kaniyang popularity ratings.
Lumabas kasi sa pinakahuling survey na mayroong mataas na trust rating pa ang dating pangulo na si Luiz Inacio da Silva kumpara kay Bolsonario para sa halalan sa Oktubre 2022.
Mula kasi ng maupo sa puwesto noong Enero 2019 si Bolsonario ay marami sa kaniyang kritko ang nagsabing naging hindi maganda ang pamumuno nito.