-- Advertisements --
Nananawagan ang kampo ni Alexei Navalny ang kritiko ni Russian President Vladimir Putin ng malawakang kilos protesta.
Ito ay para mailigtas si Navalny sa isinasagawa nitong hunger-strike.
Balak isabay ang kilos protesta sa state of nation ni Russian President Vladimir Putin sa Miyerkules.
Magugunitang noong Enero ay inaresto si Navalny matapos na gumaling ito mula sa pagkakalason.
Hinatulan itong makulong ng dalawa at kalahating taon dahil sa kasong pagkuha ng pondo mula sa kaniyang amo.