-- Advertisements --

Nagtipon-tipon ang mga supporters ni dating South African President Jacob Zuma sa kaniyang bahay para harangin ang mga aaresto.

Noong nakaraang linggo kasi ay hinatulan ang dating pangulo ng South African na guilty ng contempt dahil sa pagbalewala na ito ay dumalo sa pagdinig ng kaniyang kaso.

Nakatakda sana itong arestuhin subalit hindi nagpasya ang constitutional court na magsagawa ng hearing sa apila nito laban sa 15-month jail term na hatol sa kaniya.

Makailang beses na binatikos ni Zuma ang korte dahil sa pagiging hindi patas umano ng mga ito.