-- Advertisements --
Nilusob ng mga supporters ni South Korean President Yoon Suk-yeol ang court building matapos na napalawig ng 20 araw ang pagkakakulong ng kanilang pangulo.
Matapos kasi na ianunsiyo ng korte sa South Korea ang desisyon ay naging agresibo na ang mga protesters na lumusob sa lugar.
Noong nakaraang linggo ay naging kauna-unahang nakaupong pangulo ng South Korea si Yoon na inaresto.
Magugunitang nahaharap ito sa batikos matapos na nagdeklara siya ng Martial Law noong Disyembre 3 na tumagal lamang ng anim na oras.