-- Advertisements --
Nagtulong-tulong ang mga grupo ng supporters ni Trump na magtayo ng kauna-unahang privately constructed na US-Mexico boder wall.
Isinagawa nila ito matapos makakuha ng sapat na pondo sa kanilang ginawang kampanya.
Ayon kay US military veteran Brian Kolfage na ang nasabing border ay nagkakahalaga ng $22 million na mula sa mga donasyon na kanilang nalikom sa online campaign na nagsimula noong nakaraang taon.
Tiwala sila na matatapos ang kalahating milyang layo na border wall hanggang sa susunod na linggo.