-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagsagawa ng Caravan dito sa lungsod ng Davao ang mga supporters ni Presidential aspirant at Vice President Leni Rodredo at Vice Presidential Aspirant Sen. Kiko Pangilinan sa Freedom Park, Roxas Avenue sa lungsod.

Nagkulay pink ang nasabing lugar kung saan nasa higit sampung mga saksakyan at mga nagmotorsiklo ang nakiisa sa nasabing aktibidad.

Mapapansin rin ngayon ang malaking billboard na nasa Bajada nitong lungsod na may nakasulat na “Leni 2022”.

Ito na ang ikalawang beses na may ginawang caravan ang mga supporters ni VP Leni Robredo.