Ipinag-utos ng korte suprema sa Philippine Charity Sweepstakes Office na ibigay na nito ang napanalunang P12 million prize ng isang indibidwal na mayroong lotto jackpot winning ticket na nasira matapos na magusot.
Sa labing-pitong pahina na desisyon ng Supreme Court second division, ibinasura nito ang Petition for Review na inihain ng Philippine Charity Sweepstakes Office na naglalayong baliktarin ang naunang desisyon ng Court of Appeals .
Batay sa desisyon ng Court of Appeals, pinagtibay nito ang naging husga ng Batangas RTC na pumabor sa lotto jackpot winner.
Kung maaalala, noong Oktubre 2, 2014, tumaya ang nasabing indibidwal sa Lotto 6/42 draw sa pamamagitan ng lucky pick method.
Lumabas ang kanyang six digits number na kanyang tinayaan ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ay nagusot ng kanyang apo ang naturang ticket dahilan upang mag desisyon itong plantsahin.
Dahil dito ay bahagyang nagkaroon ng damaged ang nasabing ticket .
Dinala niya ang ticket sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City noong Oktubre 5, 2014 at inatasan siyang gumawa ng written report o handwritten account of incident.
Sa kabila nito ay sinabi parin ng legal department ng Philippine Charity Sweepstakes Office na hindi na ito valid dahilan upang hindi niya makuha ang napanalunang premyo.
Sa kabuuan , sinabi ng SC na dapat bayaran ng PCSO ang jackpot winner ng kabuuang P12,391,600.00 jackpot prize .
Maliban rito ay kailangan ring bayaran ng PCSO ang 6% na legal interest kada taon mula sa petsa ng pagtatapos ng desisyon.