Naglabas na nang panuntunan ang Supreme Court (SC) na magsisilbing guidelines sa magaganap na oral arguments bukas kaugnay sa inihaing petition laban sa ipinasang batas ng kongreso na nagtatakda ng postponement sa 2022 barangay elections.
Una nang naghain ng kanyang petisyon ang veteran election lawyer na si Atty Romulo Macalintal nitong nakalipas na Lunes na kumukwestiyon sa kapangyarihan ng Kongreso na e-extend umano ang termino ng mga barangay officials.
Nagpaliwanag din sa Bombo Radyo si Atty Macalintal na tanging ang Commission on Elections (Comelec) lamang ang may kapangyarihan na magdeklara ng pagpapaliban sa halalan depende sa ilang kalagayan na nakapaloob sa panuntunan sa pagpapaliban ng eleksiyon.
Batay pa sa abiso ng Supreme Court, si Atty Macalintal at ang mga respondents mula sa Comelec at Office of the President ay dapat i-limit lamang ang kanilang diskusyon sa mga sumusunod:
-Kung ang kongreso ba ay may kapangyarihan na mag-postpone o magkansela ng nakatakdang barangay elections;
-Kung ang Congress ba ay nagawa nitong ma-disenfranchise ang mga voters, na nagdulot na paglabag sa karapatan nilang bomoto;
-Kung ang postponement ng barangay elections ay nakabatay sa Omnibus Election Code of the Philippines.
-Sinabi pa ng mataas na hukuman, dapat ding maipaliwanag kung ang postponement sa barangay elections na naunang naitakda sa December 5, 2022, at sa halip ililipat na lamang sa October 2023 ay magdudulot ng “legislative” appointment sa mga incumbent barangay officials.
Liban sa mga nabanggit gusto ring malamana ng SC kung kaya ba ng Comelec sa kanilang logistical capability o paghahanda sa halalan
Samantala ang Oral Arguments ay magsisimula bukas ng alas-3:00 ng hapon sa En Banc Session Hall.