-- Advertisements --

Nagkansela ng pasok sa lahat ng opisina ang Korte Suprema ngayong araw ng Miyerkules Agosto 28.

Base sa anunsiyo ng Supreme Court, na dahil sa nararanasang patuloy na malakas na pag-ulan kaya nagpasya silang magkansela ng pasok.

Magkakaroon lamang ng pasok ang mga nasa essential services.

Habang nasa pagpapasya na rin ng mga presiding justices at executive judges ang pagsuspendi ng pasok sa mga korte na kanilang sakop.