Nakatakdang maglabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) sa araw ng Miyerkules o ngayong linggo kung matutuloy ang 2022 online at regionalized Bar examinations dahil malawak na pinsala ng bagyong Paeng.
Titignan aniya kung may maghahain ng pleadings o requests sa Office of the Bar Confidant (OBC) para ipagpaliban ang Bar exam.
Ang apat na araw na Bar exams ay nakatakdang isagawa sa Nobiyembre 9.
Paliwanag ni Atty. Brian Keith Hosaka na premature pa para sabihin na nakatanggap ng formal request o petition para sa postponement ng Bar exams dahil sa official holidays.
Kinumpirma naman ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang pahayag ni Atty. Hosaka.
Nasa kabuuang 9,916 law graduates ang inaasahang magtake ng 2022 online at regionalized Bar examination na isasagawa sa 14 na local testing centers sa buong bansa mula November 9,13,16 at 20.
Ibinunyag din ni Hosaka na nasa mahigit 10,000 law graduates ang orihinal na nag-apply at natanggap subalit nasa mahigit 100 ang nag-withdrew ng kanilang aplikasyon sa hindi malaman na dahilan.