Pinaburan ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng Department of Justice na humihiling na ilipat sa Quezon City RTC ang pagdinig sa dalawang kaso ni Pastor Apollo Quiboloy na inihain sa Davao RTC.
Ayon sa SC, nakakita sila ng isang compelling reasons para payagan ang paglilipat ng venue upang maiwasang magkaroon ng public interest.
Makatutulong rin ito upang maihayag ng malaya ng mga testigo ang kanilang mga testimonya laban sa Pastor at iba pang akusado.
Si Quiboloy ay nahaharap sa patong-patong na kasong may kinalaman sa sexual abuse at child abuse sa Davao City Regional Trial Court habang may kinakaharap rin itong qualified human trafficking na dinidinig sa Pasig City.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang Pastor.