-- Advertisements --
Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno kay Vice President Leni Robredo na umatras na sa pagtakbo sa pagkapangulo.
Sa isang joint press conference, sinabi ni Moreno na tumakbo lamang si Robredo para pigilan ang pamilya Marcos na makabalik sa Malacanang.
Sa naturang pulong balitaan, inalok ni Moreno ang kanyang sarili bilang alternatibong kandidato kung nais ng mga Pilipino na magkaroon ng “peace of mind.”
Iginiit ni Moreno na dapat si Robredo ang siyang magkaroon ng “supreme sacrifice” para matalo ang frontrunner na si dating senator Ferdinand Marcos Jr. sa presidential race.
Kasama ni Moreno sa naturang press conference sina Senator Panfilo Lacson, at former Defense Secretary Norberto Gonzales.