-- Advertisements --

Hindi naging madali para kay Davao Penal and Prison Farm (DPPF) Head Senior Supt. Gerardo Padilla na nanindigang hindi niya personal na kilala si dating PRRD.

Sa ginanap na pagdinig sa Quad Comm ng Kamara, ilang mga mambabatas ang nagtanong kay Padilla kung personal niyang kilala ang dating pangulo.

Kabilang dito sina Zambales 1st District Cong. Jay Khonghun at Cong. Abang Lingkod Cong. Joseph Stephen Paduano.

Tinanong ni Khonghun kung nagkita na ba sila ni dating PRRD ng personal, ngunit sagot ni Padilla, hind pa niya nakita ang dating pangulo; bagay na ikinagalit naman ni Cong. Paduano. Ayon kay Paduano, may ebidensiya silang nagpapatunay na nagkita na sina Padilla at dating PRRD.

Dahil ipinag-diinan pa rin ni Padilla na hindi niya personal na kilala si dating PRRD, napilitan ang quad comm na ipakita ang ilang personal pictures nito na kasama ang dating pangulo sa ilang pagkakataon.

Kung maaalala, na- contempt si Padilla ng 30 araw matapos itong tumangging magsalita sa ginanap na ikatlong pagdinig ng House Quad Committee.

Siya ay pansamantalang isinakustudiya sa Camp Bagong Diwa Bicutan Taguig City.