KORONADAL CITY – Labis ang pasasalamat ng Bombo Radyo Koronadal at ng Surallah LGU sa maagap na pagtugon ng mga mamamayan sa panawagang mag-donate ng kanilang dugo sa isinagawang Dugong Bombo 2020 sa Municipal Gym sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ito’y matapos naantala ang ikatatlo sanang yugto ng bloodletting activity bunsod sa pagkakatala ng mga nagpositibong kaso ng covid-19 sa naturang bayan.
Kaugnay nito, pinuri naman ni Surallah vice-mayor Pinky Divinagracia ang inisyatibo na ito ng Bombo Radyo Philippines lalo na’t ito lamang ang radio station sa buong bansa na nagsasagawa ng bloodletting activity.
Sa huling tala ng Bombo coverage team ay nasa 56 ang mga successful blood donors.
Labis rin ang pasasalamat ng himpilan sa kooperasyon ng Philippine Red Cross at ng mga stakeholders upang matuloy ang nasabing aktibidad.