-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Bumuo ang Department of Agriculture (DA) Cordillera ng isang task force para maging mas maayos ang implementasyon ng Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers (SURE Aid Program).

Layunin ng ahensiya na matutukan sa pamamagitan ng programa ang mga magsasakang apektado sa mababang presyo ng palay.

Sakpp ng programa ang mga rice farmers na naapektuhan sa pagpapatupad sa Rice Tarrification Law.

Hinihikayat ng DA-Cordillera ang mga apektadong rice farmers na maghain ng aplikasyon sa SURE Aid program.