LEGAZPI CITY- Malaking karangalan sa isang surfer na mula sa Catanduanes ang magin kinatawan ng Bicol region sa National Surfing Competition na magsisimula ngayong araw.
Ayon Val Tapia, magandang experience ito para sa kanya lalo pa at ito ang unang beses na lalahok siya sa national competition.
Malaking “pressure” umano para sa kanya dahil ang lahat ng makakalaban ay pawang magagaling at may karanasan kung saan mula pa ang mga ito sa Siargao, Samar, Baler at La Union.
Ngnuit positibo naman ang atleta na magiging maganda ang kanyang performance.
Aniya, gaganapin ang kompetisyon sa loob ng pitong araw sa Borongan Samar.
Target namn ni Tapia na magin kampeon o makakuha ng pwesto upang maiuwi ang papremyo na P50,000 hanggang P80,000.
Maliban sa kanya, may kasama rin umano syang ibang mga surfer na mula sa parehong lalawigan kabilang na sina Elvis Legazpi, Emerson Legazpi, Jomari Tanael.