-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inasikaso na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 laban sa isang surfing instructor na nahuling nagbebenta ng shabu sa isang poseur-buyer.

Ito’y matapos ang matagumpay na buy-bust operation laban sa 29-anyos na binatang si Patrick Nogera Arjona, residente ng Catangnan, General Luna, Siargao Island, lalawigan ng Surigao del Norte.

Inilunsad ang operasyon pasado alas-9:30 nitong Biyernes ng gabi kasama ang mga tauhan ng General Luna PNP at Surigao del Norte Police Drug Enforcement Unit.

Ayon sa PDEA-Caraga isang High-Valued Target ang suspek na miyembro ng Delgado Drug Group.

Nakuha mula sa kanyang posisyon ang isang cell phone, isang libong pisong cash bilang marked money, at isang selyadong transparent plastic sachet ang pianghihinalaang shabu na tinatayang may timbang na un-gramo at nagkakahalaga ng P10.000.