-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na aasahan ang surge ng COVID-19 sa lungsod sa ikatlong o ika-apat na linggo ngayong Enero.

Dahil ito sa nangyaring paglabas ng maraming tao sa nakaraang holiday season.

Ayon sa opisyal kahit na hindi masyadong bumaba o tumaas ang mga kaso sa lungsod, pinaghahandaan na nila ang uptrend sa mga susunod na araw.

Mananatili pa rin ang estratehiya na PDITR o prevention, detection, isolation, treatment, at reintegration kabilang na ang pag-manage sa mga namatay dahil sa virus.

Nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa mga pribadong ospital bilang paghahanda sakaling mangangailangan na ng ospital maliban sa Southern Philippines Medical Center para sa pag-refer sa mga ma-admit, ma-ospital at iba pang pasyente na mangangailan ng serbisyong medikal sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Nakahanda na rin sa posibleng surge ang COVID-19 Cluster Clinic sa lungsod at nagsagawa na ng imbentaryo ang mga TTMF at sisimulan na rin ang home isolation.