-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sa layunin na mapababa na ang tumataas na kaso ng COVID-19, isina-ilalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ni Surigao del Norte Governor Lalo Matugas ang Surigao City at ang 3 mga bayan sa nasabing lalawigan na kinabibilangan ng Claver, General Luna, Sison, Gigaquit, Alegria at Malimono.

Ayon kay provincial administrator Sim Castrence, pinagtitibay ang nasabing deklarasyon sa pamamagitan ng Executive Order No. 21-023 series of 2021 na pirmado ng gobernador.

Ang kautusan ng gobernador ay alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force, sakaling aabot na sa 10 ang mga COVID-19 cases sa isang local government unit.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, inihayag ni Castrence na pamamagitan nito’y mapigilan na ang pagkilos ng mga tao na nitong mga nakalpas na lnggo ay sobrang kumpyansa at tila hindi na sinusunod ang mga health protocols dahilan ng pagtaas ng mga kaso.

Dagdag pa ng opisyal, nagrereklamo na ang mga pribado at pampublikong ospital dahil umabot na sila sa kanilang full capacity kung kaya’t mahihirapan na sila pag-aasikaso sa lahat ng kanilang mga pasyente.

Dahil din umano na saturated na ang contact-tracing sa dami ng mga kaso, ang kasalukuyang blang ay hindi umano sumasalamin sa totoong sitwasyon dahil sa kanilang limitadong kapasidad.

Pati ang mga pribadong ospital ng Surigao City ay hindi na tumatanggap pa ng mga pasyente dahil sa sobrang dami na ng kanilang gagamutin at tututukan.