-- Advertisements --

BUTUAN CITY-Naging no.1 consume rate sa vaccination ang lungsod ng Surigao sa buong rehiyon ng Caraga.

Ito ang pahayag ni Erwin Pingal ang Provincial Director ng DOH-Caraga sa regular session ng Sangguniang Panlungsod.

Kaya pinuri ito ng mga myembro ng konseho sa ilalim ng pamumuno ni Surigao City Vice Mayor Nitoy Matugas ang lahat ng mga frontliners at mga healthcare workers sa kanilang mahigpit nga kooperasyon upang makamit ang pagnanais na ma-protektahan ang mga namumuno sa operasyon laban sa Covid-19.