BUTUAN CITY – Idineklara ng insurgency-free ang lalawigan ng Surigao del Norte maatapos inaprubahan ng Provincial Peace and Order Council at ng Provincial Development Council ang joint resolution sa unang bahagi nitong buwan ngMarso.
Mismong si Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang gumawa ng formal announcement kahapon na sinaksihan nina Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Executive Director Ernesto Torres Jr., Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. At Surigao del Norte Governor Roberto Lyndon Barbers.
Ayon kay Sec.Teodoro, gaya sa ibang mga lugar sa Mindanao, ang mga tao sa Surigao del Norte ay ayaw na sa mga insurhensiyang aktibidad na syang pinakamahalagang nangyari, ang kanilang mismong deklarasyon na hindi na susuportahan ang mga rebeldeng New People’s Army.