-- Advertisements --
Niyanig ng 4.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Caraga Region.
Naitala ito kaninang alas-8:53 ng umaga.
Tectonic umano ang pinagmulan at may lalim na 19 na kilometro.
Natukoy ang epicenter sa layong 16 km sa hilagang silangan ng General Luna, Surigao Del Norte.
Wala namang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks mula rito.