-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Lt. Lemuel Lalata, ang Civil Military Operations o CMO officer ng 30th Infantry Battalion, Philippine Army na New People’s Army o NPA-free na ang buong lalawigan ng Surigao del Norte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na ilang buwan ng NPA-free ang malaking parte ng lalawigan na naging whole province na, matapos sumuko ang panghuling mga tauhan ng Sandatahang Yunit Pangpropaganda o SYP-16 B na pangunguna ni alyas Ka Lucas.
Nilinaw din ng opisyal na hindi pa nila naideklarang insurgency-free ang bayan ng Sison, dahil inisyatiba lamang ito ng lokal na pamahalaan matapos sumuko ang grupo nina Ka Lucas sabay linaw na kanila nang pinoproseso ang mga dokumento para dito.