BUTUAN CITY – Isasailim sa malalimang imbestigasyon ang nangyaring pananambang sa tatlong tauhan ng Land Transportation Office (LTO) na nagsasagawa ng checkpoint nitong Miyerkules sa Sitio Dacuman, Brgy. Ipil, Surigao City.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr)-Caraga regional director Engr. Nordie Plaza, magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang PNP upang madakip ang at large na mga responsable sa pananambang kung saan dead on the spot ang team leader na Felixberto Loayon.
Sa inisyal na imbestigasyon, mga galit na drivers ang tinitingnan nasa likod ng pananambang subalit nagtataka rin ang investigating team dahil M16 na basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.
Palatandaaan daw ito na hindi basta-bastang ordinaryong kriminal ang nanambang.
Sa ngayon ay nakalabas na ang ospital sina Rene Sinangute at Frede Freddiewabina na nagtamo lang ng slight injury.