-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nag-commit si Surigao del Sur Governor Alexander ‘Ayek’ Pimentel sa Department of Agriculture na gagawing rice granary ang kanilang lalawigan ngayong may naka-ambang posibleng food shortage.
Ayon kay Department of Agriculture-Caraga Regional Executive Director Ricardo ‘Bong’ Oñate Jr., nilagdaan na nila ni Gov Pimentel ang province-wide Agriculture and Fisheries Expansion Program.
Sa pamamagitan umano nito ay bubuo ng food security plan ang bawaat-munisipalidad o kaya’y lungsod.
Sakaling may mabubuo ng programa ang bawat-probinsya, sigurado nang secured sa supply ng pagkain ang buong Caraga Region.