-- Advertisements --
Alexander Pimentel

BUTUAN CITY – Kinumpirma ng chief of staff ng Agusan del Sur Provincial Governor’s Office na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Governor Alexander “Ayec” Pimentel.

Ayon kay Marjorie Pagaran, naka-quarantine na ang gobernador kahit na hindi ito nagpapakita ng sintomas ng nasabing sakit o asymptomatic.

Dahil sa kanyang naranasan, nananawagan ang gobernador sa lahat ng mga Surigaonons na mas higpitan pa ang pag-iingat sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod ng mga health protocols at palagi lang mag-i-stay sa bahay.

Sa ngayon, base sa COVID-19 situational report ng Department of Health (DOH) Caraga, ang Surigao del Sur ay nakapagtala na ng 51 mga COVID-19 positive cases.