-- Advertisements --
Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Surigao Del Sur.
Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang unang pagyanig ay naitalang may lakas na 5.3 magnitude. Ito ay may lalim na sampung kilometro.
Ang sumunod na pagyanig ay mayroong 5.2 na magnitude. Umabot rin sa sampung kilometro ang lalim nito.
Ayon pa sa Phivolcs, ang mga ito ay malalakas na aftershocks ng Magnitude 7.4 na lindol na unang tumama sa naturang probinsya noong Disyembre-2.
Wala namang damage o aftershocks na naitala ng dalawang magkasunod na lindol.