-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude-5.0 na lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga.
Sa inilabas na earthquake advisory ng Phivolcs, alas-9:56 ng umaga nang mangyari ang pagyanig sa 81 kilometers southeast ng bayan ng Cagwait.
Hindi inaasahan na magkakaroon pa ng aftershocks kasunod ng naturang lindol, na hindi na rin namang nakapag-general ng intensities at hindi rin naramdaman ng mga residente sa mga lugar malapit sa epicenter nito.
Bukod dito, ang lindol, na tectonic ang origin, ay may lalim na 28 kilometers.
Una rito, niyanig naman ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Marihatag sa parehong probinsya dakong alas-6:30 kaninang umaga.