-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Surigao Del Sur.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) nangyari ang pagyanig dakong 6:23 ng umaga nitong Sabado Agosto 3.

May lalim ito na 10 kilometers at naitala ang epicenter nito sa Lingig, Surigao Del Sur.

Naitala rin ang Intensity 5 sa Hinatuan, Surigao Del Sur.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung may mga napinsalang gusali dahi sa nasabing insidente.