-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Opisyal nang umupo si Police Colonel James Templora Goforth bilang Officer-in-Charge Provincial Director ng Surigao del Sur Police Provincial Office.

Si PCOL Goforth ang siyang leader ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) simula noong Marso 7, 2018 hanggang Oktobre 22, 2019.

Sa panunungkulan ni PCOL Goforth sa RIDMD, nakilala ang Police Regional Office o PRO-13 bilang number one sa Crime Solution Efficiency sa 4th quarter ng 2018, 1st quarter sa 2019 at 1st semester sa 2019.

Papalitan si PCOL Goforth ni Police Lieutenant Colonel Jonathan G Trojello.

Samantala, ang outgoing Provincial Director sa SDSPPO na si Police Colonel Francisco Damayo Dungo, Jr, ay nanunungkulan sa lalawigan simula noong Nobyembre 17, 2017.

Nadestino ito sa Police Regional Office 1 at uupo bilang Chief of the Regional Staff.

Pinangunahan ang turn-over of Command Ceremony sa pagitan ng outgoing at incoming Provincial Director ni Regional Director, Police Brigadier General Joselito T Esquivel, Jr.