-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tumukas si Tagbina, Surigao del Sur Vice Mayor Antonio ‘Tony’ Adlao mula sa kanyang mga abductors kung kaya’t nakahingi ito ng saklolo sa isang concerned citizen kahapon ng ala-1:50 ng madaling araw sa Purok-8, Sitio Kalingayan sa Barangay Consuelo, sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur.

Sa Facebook post ng pamilya Adlao, makikita sa mukha ng besi mayor ang trauma mula sa kanyang naranasan kungsaan pinipigilan pa nito ang luha at tila na-shock pa sa mga nagyayari.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Lakas-Catholic Muslim Democrats o Lakas-CMD secretary general at Surigao del Sur 1st district Rep. Prospero Pichay Jr. na hindi nila pinalaki ang pagkawala ni Adlao dahil nais nilang imbestigahan ito ng malaliman ng pulisya upang hindi sila pagdududahang namumulitika lalo na’t seryusong alegasyon ang kidnapping.

Hanggang sa kahapon nga ng madaling araw ay nakatanggap ng tawag ang pulisya ng Bunawan, Agusan del Sur kaugnay sa taong humihingi ng saklolo hanggang sa nakumpirmang ito nga ang nawawalang opisyal natumakas umano mula sa kanyang mga abductors dahil sa takot na posible umano siyang papatayin.