-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dahil sa lawak ng danyos na hatid ng magnitude 7.4 na lindol natumama sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur nitong gabi ng Disyembre a-2, isina-ilalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Surigao del Sur lalo na’t patuloy pa ang malalakas na aftershocks.

Ito’y matapos lagdaan ni Governor Alexander Pimentel ang Sangguniang Panlalawigan resolution No. 1410-23 upang mapadali ang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng malakas na pagyanig lalo na yaong mga nawalan ng tirahan.

Ayon kay Governor Pimentel, patuloy ang kanilang ginawang assessment sa mga nasirang imprastraktura gaya ng mga paaralan, mga tulay at covered courts.