-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Proud na ibinahagi ni Surigaonon discus throw gold medalist Crisbirth Crabajales na apat na mga unibersidad sa Metro Manila ang nag-offer sa kanya ng scholarship sa kolehiyo matapos ang matagumpay niyang laro sa Palarong Pambansa 2024 kungsaan kasama sa kanyang natalo ay ang manlalaro sa Southeast Asian Games o SEA Games 2023.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Crabajales na kasama sa mga mag-offer sa kanya ng libreng edukason ay ang University of Santo Tomas, National University at iba pa.

Plano nitong tanggapin ang naturang offer lalo na’t hindi siya mapapa-aral ng kanyang mga magulang dahil sa kawalan ng perang igagastos sa kanyang kukuning kursong engineering, ngunit pag-uusapan pa ito ng kanyang pamilya.

Hanggang ngayo’y hindi pa rin nagsi-sink sa discus throw rookie na siya’y naka-gold dahi l sako lamang na may lamang buhangin ang kanyang ginamit sa mga panahong sumasabay lamang siya sa training noong siya’y nasa grade 11 pa.