-- Advertisements --

Iniutos na ng Philippine National Police (PNP) na pagsasagawa ng surprise inspections sa lahat ng mga police stations sa buong bansa.

Naglabas kasi ng kautusan si Department of the Interior and Local Government officer-in-charge Secretary Eduardo Año sa PNP na muling ipatupad ang pag-iinspeksyon sa mga istasyon ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Layon nito ay para mahigpit na mabantayan ang PNP operations sa lower level partikular sa mga police stations.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao, ang surprise inspection ay matagal nang guidelines ng PNP kaya nais ngayon ng national headquarters na mahigpit itong ipatupad muli.

Sinabi nito na nais ni Sec. Año na gayahin ng mga regional police directors ang ginawa ni National Capital Region Police Office chief police dir. Oscar Albayalde.

Samantala, wala pang direktiba at hindi pa napapag-usapan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang PNP at Armed Forces of the Philippines na tapatan ang hamon ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Ma. Sison kung saan limang rebelde ang kaniyang ipapatay sa mga otoridad.

Sinabi ni Bulalacao na mali na pagbantaan ng New People’s Army ang pamahalaan dahil mandato talaga ng PNP na ipatupad ang batas at ang pag-aresto sa mga at large pang National Democratic Front consultants.

Sisikapin ng PNP na madakip ang mga ito ng buhay, pero kung manlaban ang mga ito ay idedepensa ng mga pulis ang kanilang mga sarili.