-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naniniwala ang ilang transport groups na makatarungan ang ginawang surprise drug inspection ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilang driver ng pampublikong sasakyan sa Bicol region kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Ronel Nebres ng Basta Drayber Safety Enforcer na malaking tulong ang hakbang ng tanggapan para matukoy ang mga tsuper na pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.

Naniniwala ang transport leader na kailangan ng disiplina sa pagmamaneho dahil dito nakataya ang buhay ng mga pasahero.

Kamakailan nang magkakasabay na binulaga ng PDEA ang mga terminal na pampublikong sasakyan sa Albay at Camarines Sur.

Batay sa ulat, ilang driver ang nag-positibo at nakatakdang sumailalim sa panibagong test.