Nagsagawa ng biglaang pagbisita sa Baghdad si Secretary of State Mike Pompeo sa kabila ng nakabinbing banta sa Iran dahil sa hindi matigil na panggugulo nito sa mga kaalyadong bansa ng Estados Unidos.
Ang nagsabin pagbisita ay ginawa isang taon matapos mapag-desisyunan ni US President Donald Trump ang tuluyang pagkalas ng US sa Iran nuclear agreement.
Ayon kay Pompeo, ang pagbisita niyang ito ay upang siguraduhin din sa Iraqi government na katulong nila ang Estados Unidos sa kampanya nila laban sa ISIS.
Nakatakda sanang bumisita sa Germany si Pompeo kung saan ay makikipagkita ito kina Chancellot Angel Merkel at Foreign Minister Heiko Maas.
Iginiit naman ng administrasyong Trump na ang dahilan sa likod ng pagpapataw nito ng mga bagong sanctions sa Iran ay bilang istratehiya upang hikayatin ang Islamic Republic na suportahan ang mga militanteng grupo.
Ayon naman sa mga opisyal ng Iran na kinokonsidera nila ang buong kooperasyon sa nuclear agreement bilang tugon sa pressure campaign na inilunsad ng Trump administration.