CENTRAL MINDANAO- Patuloy ang ginagawang pag-iikot ng Surveillance and Monitoring Team ng Incident Command System Emergency Operations Center (ICS-EOC) ng lokal na pamahalaan ng Midsayap Cotabato sa mga business establishments at mga paaralan sa bayan.
Layon nito na matiyak na sumusunod ang mga ito sa standard health protocols ng Department of Health (DOH) kontra coronavirus disease o COVID-19.
Pinangunahan ni Councilor Justine Clio Ostique ang Surveillance and Mornitoring Team sa paglilibot sa mga business establisments at paaralan kasama ang mga kasapi ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Tourism Office, General Services Office (GSO). Rural Health Unit (RHU), Public Employment Service Office (PESO), Business Processing and Licensing Office (BPLO) at Local Economic Investment and Promotion Office (LEIPO).
Samantala, hinimok ng LGU-Midsayap ang mga mamamayan na makiisa sa ginagawang hakbang ng pamahalaan upang hindi na kumalat pa ang nakamamatay na sakit na COVID-19.
Nakikiusap naman ito sa publiko na maging disiplinado dahil para din ito sa ikabubuti ng lahat na maiwasan ang pagkawaha sa sakit.
Kung may napansing mga establisyemento na hindi sumusunod sa mga health protocols kontra COVID-19, maaari lamang magtext o tumawag sa kanilang hotline numbers na 0967-396-8720 o sa 0951-803-4045.